VERSE OF THE DAY

Friday, December 21, 2012

Just Chow and Be Merry! Ang Paskong Walang Pangamba sa Sandamakmak na Pagkain sa Harapan Tips!


1 Corinthians 10:31
"So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God."

The Season of Jesus is up once again! At halos lahat sa atin aminin man o hindi, iniisip na naman ang walang humpay na pagkain na nagkalat sa kabi-kabilang Christmas Parties at Gatherings around Metro. With almost daily temptations of nibbling on scrumptious delicacies and sweets during this season, it's totally unsurprising that when New Year comes, many of us might have been brawling on our bellies struggling to fit in our jeans. Tama?

Pero maniwala kayo't sa hindi, posible pa rin naman na maging maligaya tayong mga Pilipino ngayong Pasko sa pagkain nang hindi nag-aalala kung gaano man tayo maging kabigat pagdating ng Bagong Taon. And that is where my experiences and knowledge comes to the rescue! Kahit gaano man kalaking handaan yang pupuntahan mo, hayaan mong siguraduhin kong magiging "magaan" pa rin ang buhay mo sa kapanahunang ito.

1. Don't Go to a Party Hungry. Malakas ang tendency ng isang tao na kumain ng mas mabilis at mas marami kapag siya ay nagugutom. Wala akong sinasabing magpakabusog ka na agad bago pumunta sa party ng kaibigan mo, just try not to be too hungry, 'wag OA. Eat a light and wholesome meal before the event to avoid overeating. Tandaan: Lahat ng sobra ay nakasasama.


 2. Watch the Principle of Portion. I-enjoy ang pagkain at magsaya. Walang masama rito. Kumain ka ng sweets, meat, drinks at iba pa nang walang pangamba. But always watch your portion. Paraan rin ito para matikman mo ang lahat ng gusto mong matikman, hindi yung sugod agad nang sugod sa iisang putahe, mabubusog ka kaagad sa ganyang attitude. Malay mo may isasarap pa pala yung ibang pagkain. Remember: Moderation is the key!

3. Avoid What Makes You Bloat. Maraming masarap na pagkain, pero hindi lahat healthy. Marami rito ang mataba at masama sa kalusugan. Watch out for fatty foods, it is the killer of the heart and your shape as well. Hindi na kailangan pa ng mahabang eksplanasyon. Ito na lang, eat them and let yourself suffer the consequences later. 

4. Indulge in Fruits. Huwag isnabin ang kapangyarihan ng prutas, papasalamatan ka rin ng katawan mong nagdidiwang sa huli. Less calories and much more refreshing, saan ka pa? Tandaan: Hindi lang 'yan pang-Pasko at pang-New Year, all year round nagkalat 'yan!

5. Too Much Alcohol is a Big No. Alcohol is packed with calories, hindi ako nagbibiro. Tinatanggal din nito ang mga inhibitions mo causing you to allow yourself to eat things which you normally wouldn't. It also dehydrates your body. Hindi ko inaaway ang beer at alak, nagsasabi lang ako ng totoo. Anyway, you can always rely on fruit juices for a much healthier option. Hindi ko sinasabing 'wag nang uminom ng alak, pero gaya nang sabi ko, "Moderation is the Key."


6. Stay Fit and Be Merry. Panatilihin ang exercise sa iyong mga gawain. Hindi excuse ang Holidays. In this way you can counter your excess food consumption. Mag-jogging sa umaga, sumama sa swimming ng barkada, o kaya maglakad-lakad pagkatapos ng dinner. Puwede mo ring igala ang aso at makipaglaro ng taya-tayaan sa mga bata sa labas. Maraming paraan, isantabi lamang ang katamaran. Note: Hindi pa huli ang lahat sa mga medyo chubby na, may pag-asa pa. Tiwala lang.

Ilan lang 'yan sa mga magagandang paraan na maaaring gawin upang maiwasan ang nakikinita kong pakikipagbuno ng ilan sa mga hindi nila magkasyang pantalon. I tell you, never let gluttony ruin you and your shape. Just enjoy the season, be happy and never lose control. That's all for today, God Bless everyone!