VERSE OF THE DAY

Monday, December 10, 2012

Ang Almusal sa Umagang Ito: Si Andres Bonifacio sa Pananaw Ko

<Activity lang 'to sa Filipino Subject namin ngayon, pero nagandahan ako sa gawa ko eh. Gumawa ng talumpati tungkol sa Ika-sandaan at limampung kaarawan ni Bonifacio at sa kanyang pagiging modelo bilang kabataang Pilipino na may disiplina at pagmamahal sa bayan. Irerecite ko pa 'to sa Thursday! Yay! :D>
Photo Credit: http://www.gov.ph/images/uploads/NHCP-Online.jpg
Gising Pilipinas! Mga kamag-aral, masarap ang almusal sa bukang-liwayway na ito. At ito ay walang iba  kung hindi ang talumpatiang ukol sa pananaw ng bawat isa sa kwartong ito patungkol sa ika-sandaan at limampung kaarawan ng ating Gat Andres Bonifacio. Hindi nga ba at kapansin-pansin ang payak at payapang oras na ito? Marahil sa kadahilanang wala nang iba pang araw ang mas aangkop upang gawin ito.

Bago ang lahat, para sa nag-iisang Supremo, maligayang kaarawan sa iyo. Sa araw na ito, isang  ploretaryadong bayani ang nagpakadakila sa pangunguna sa isang napakamakasaysayang himagsikan sa  pamamagitan  ng lihim na Katipunan. Taong 1896, naganap ang rebolusyong nagbunsod ng pagkawal ng mga Pilipino sa mahigpit na hawak ng mga malulupit na Espanyol.

Bilang isang disiplinadong aktibista ng kanyang panahon, siya lamang ang tanging utak na tumuklas na ang  rebolusyon ay isang malalim na ekspresyon ng adhikaing pambansa na halos masupil noon. Kahit isang batang lider lamang, naging matatag si Andres. Hindi lang siya naging  inspirasyon ng buong Kilusang  Propaganda, maging siya mismo ay buong puso ang kahandaang lumaban kasama ang kanyang mga kasama na kanyang pinatotohanan, hindi ba't ito'y sadyang kahanga-hanga?

Sa kapanahunang ito, isang modelo para sa ating mga kabataang Pilipino ang sulo ng pag-asang sinilaban  noon ni Andres bilang isang matapang na tagapagtaguyod ng kalayaan. Kalayaan na sa ngayon ay ang pambansang demokrasyang ating isinasaprinsipyo ngayon. Hindi ba?

Tayong lahat, ay naririto ngayon hindi lamang upang ako'y pakinggan ninyo  sa pagkakataong ito. Tayo ay  naririto higit pa sa obhetibong dahilan ng paggunita sa kanyang kaarawan. Naririto tayo dahil sa  makasaysayang kabuluhan na inihatid niya sa ating kasalukuyang kalagayan, at hindi ako nangangailangan ng pagsang-ayon.

Ang almusal na aking inihatid sa umagang ito ay isang pagpupuri sa ika-sandaan at limampung kaarawan ng isang Supremong minsang nagsabi na ating idilat ang ating mga bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan. At ako, na patuloy na pumapabor sa kilusan ng kabataang Pilipino sa ngayon, ay dapat iwagayway ang pulang bandila ng ganap na pambansang kalayaan.

Bueno, dito na nagtatapos ang aking pananaw, maging ang aking talumpati. Magandang umaga sa lahat!

Photo Credit: http://www.gov.ph/images/uploads/NHCP-Online.jpg