VERSE OF THE DAY

Monday, November 12, 2012

JIVE HS Boys: Tough Ten!

Kung inaakala ninyong mga magboyfriend at girlfriend lang ang may monthsary, sorry na lang. Dahil ang JIVE High School Boys, meron din. And mind you, TEN MONTHS na po kami! Wala lang, gusto ko lang i-post dito ang mga pinaggagawa namin dahil minsan lang ulit 'to na prepared kami. May cake, may banner at marami pang iba, pero sa totoo lang, cake at banner lang talaga, hindi naman kasi kailangan ng maraming gastos 'di ba? Ang importante, masaya at walang kagatul-gatol na kainan ang meron sa aming TOUGH TEN!
Bakit "Tough Ten"? Let me explain, marami din kasi ang nagtatanong eh. Depiction lamang po ito na kami ay nananatiling matatag sa aming pangsampung buwan ng pagsasama at habang tumatagal, lalo pang nagiging matibay. Oh 'wag kumontra. XD


Gaya nga ng sabi ko, 10th monthsary ng grupo namin. Ay pauli-ulit? Wala naman kaming masyadong ginawa. We held the usual service JIVE Youth Service bago kami nag-celebrate. Pero dahil excited kami, prepared na lahat Sabado pa lang. Ganun kami ka-excited 'di ba?





 Ang aking Doodle Banner! Congrats sa 'tin guys! Aabangan ko yung next month. :D

At dahil may cake kami para sa monthsary naming ito, Hunger Games na!!! Pasensya, parang ngayon lang nakakain ng cake. Lumabas po pagiging matakaw namin dito. May Before, During and After pictures po 'yan, kayo na lang po bahala magcomment kung gaano kami katakaw nang ubusin namin ang Cake within 3 mins. Totoo po yan. Pagbigyan. :)


 Bago lantakan ang Cake, oh 'di ba may kandila pa...


...Habang nilalantakan ang Cake (Hunger Games)...


Sabi ng Cake, "Guys, dahan-dahan naman pls." JOKE!


...Pagkatapos lantakan ang Cake. Kawawa naman siya. XD
Sinabi ko bang may Cake kami? Parang wala naman yata. Hahaha

Anyway, hindi sa lahat ng pagkakataon may mga ganitong okasyon, kaya dapat sinusulit 'di ba? Maraming salamat sa JIVE High School Boys sa bawat Sunday na pinagsasamahan natin. Sana dumalas pa ang fellowship natin guys. I'm looking forward on all those crazy things we can do kapag magkakasama tayo. I mean, walang imposible kapag tayo na ang nag-isip at gumawa. Oh, readers wag kumontra.

God Bless sa 'tin at sa ating Spiritual journey and never give up. All for God everyone!

***