VERSE OF THE DAY

Saturday, November 3, 2012

First post? Okay, pano ‘to? Did I really just entered blogging?


November 3, 2012, Saturday 12:03 AM

"Okay, susubukan ko lang ha. Kapag nag-work-out, then i’ll work it out of course. Sana…"

First of all, wala pong kaugnayan yung picture sa topic ko, Alma Mater ko po ‘yan. Proud Bonifacian eh. Nababasa niyo naman siguro ‘di ba? Kahit po graduate na ko dyan, halos araw-araw pa din akong bumabalik. Hindi ako makamove- on ewan ko ba, may “something” kasi eh…

Di ko pa naman talaga alam ang nangyayari kapag nagba-blog ka, wala lang, palipas oras at sinusubukang gumawa ng sariling hakbang sa loob ng mundo ng mga “netizens” ba ‘yun? I just don’t really know how to start, marunong naman akong pumindot-pindot ‘no, marunong nga akong putoshop eh (Photoshop), I’m just trying my luck if I can make my way out of this virtual world sa matinong paraan. Making most of my time rather than watching unhealthful videos (e.g Pornography) sa internet gaya ng ginagawa ng iba dyan. Oops, I'm not saying everyone, ako na nagmamalinis. Speaking of porn, pare-pareho lang nangyayari dun ‘di ba? So why bother yourself watching trash. walang exciting ‘dun dre. Nagkakasala pa kayo. Nilalayo niyo lang sarili niyo kay Papa God, AMEN!

Wait, ano ba talaga topic ko, blogging o porn? Gaya nga ng sinasabi ko, susubukan ko lang talaga, hindi naman kasi ako ganoon kasipag mag-type, ‘pag nasa mood lang. Pero mas gumagana utak ko ‘pag nakaharap sa computer, ang gulo kong tao no? Gaya ngayon, kung anu-ano na lang siguro nata-type ko. Ayun nga, I’m pushing myself out of my own box, I just can’t find the reasons bakit ko ba ginawa ‘to. Well, siguro factor na rin yung mga tao sa paligid ko ngayon, halos kasi lahat ng nasa church, blogging din ang peg! Woah, where did I get that?

Marami akong gustong ikwento, hindi ko lang alam kung saan huhugutin. Sana talaga hindi ako mawalan agad ng sipag sa sinimulan kong ‘to. At syempre, sana hindi kami maputulan ng internet connection!

Ano pa ba? wala na kong masabi eh, basta wag na manood ng porn! Magmumukha ka lang tinapay, pramis!

Writer’s Note: 12:03 AM na po ngayon kaya patawarin niyo ko kung ano man ang nai-type ng mga malilikot kong kamay. Pero syempre, sinadya ko pa rin yan. God Bless everyone. :D

P.S. Sana po na-entertain ko kayo, kahit papano. Di ko pa alam kung itutuloy ko ‘to, tulungan niyo ko. :)