VERSE OF THE DAY

Monday, November 12, 2012

JIVE HS Boys: Tough Ten!

Kung inaakala ninyong mga magboyfriend at girlfriend lang ang may monthsary, sorry na lang. Dahil ang JIVE High School Boys, meron din. And mind you, TEN MONTHS na po kami! Wala lang, gusto ko lang i-post dito ang mga pinaggagawa namin dahil minsan lang ulit 'to na prepared kami. May cake, may banner at marami pang iba, pero sa totoo lang, cake at banner lang talaga, hindi naman kasi kailangan ng maraming gastos 'di ba? Ang importante, masaya at walang kagatul-gatol na kainan ang meron sa aming TOUGH TEN!

Monday, November 5, 2012

JIVE Youth Cosplay Sunday Madness!

*Disclaimer: Hindi ko po pagmamay-ari ang mga larawan. Maraming salamat po sa mga nagpa-grab, Ate Jen, Ate Cla at Kuya Jenghis. Di ko po mabubuo itong entry na 'to kung wala po ang mga pictures po ninyo. Maraming Thank You po ulit.
I don't own these pictures. All credits belong to the rightful owners. :)


Define "Cosplay", according to Wikipedia, "Cosplay (コスプレ kosupure), short for "costume play" is a type of performance art in which participants wear costumes and accessories to represent a specific character or idea."

Last October 28, we were told that there would be a "Cosplay Sunday" next week and be on our costumes "daw". Ako naman na walang kaalam-alam sa nangyayari, annual palang ginaganap ang event na 'to sa Church and since I started attending since June, I found this thing very interesting and worth spending the effort. That time I already thought of doing Remy Lebeau or Gambit of X-Men because he's my favorite, pero nung nakita ko sa net yung costume niya, nasabi ko sa sarili ko na mahihirapan yata ako kaya wag na lang. But because I'm persistent and I liked the character very much, I pursued on his get-up. Kahit one week lang ang given time to work, ginawa ko talaga. Iba pala yung feeling kapag sarili mo na yung ginagawan mo ng costume, may kakaibang excitement. Ako naman si first-time cosplayer, maraming tanong ang tumambay sa isip ko, na baka magmukha akong ewan sa suot ko, na baka hindi nila magustuhan, bahala na. Sabi ko na lang, minsan lang naman ang mga ganito kaya don't hesitate over things na ginusto mo din, tama naman 'di ba?



Saturday, November 3, 2012

First post? Okay, pano ‘to? Did I really just entered blogging?


November 3, 2012, Saturday 12:03 AM

"Okay, susubukan ko lang ha. Kapag nag-work-out, then i’ll work it out of course. Sana…"

First of all, wala pong kaugnayan yung picture sa topic ko, Alma Mater ko po ‘yan. Proud Bonifacian eh. Nababasa niyo naman siguro ‘di ba? Kahit po graduate na ko dyan, halos araw-araw pa din akong bumabalik. Hindi ako makamove- on ewan ko ba, may “something” kasi eh…